Thursday, August 15, 2013

KAPASYAHAN BLG. 06 - A Serye 2013 ng Sangguniang Panlungsod ng Palayan




Hulyo 15, 2013




KAPASYAHAN BLG. 06 - A  Serye 2013 ng Sangguniang Panlungsod ng Palayan na nagbibigay ng ACCREDITATION  sa MALASAKIT I-WATCH (Mamamayan Laban sa Katiwalian) Brgy. Militar HQ, Inc.

















Ang Lupon ng Sangguniang Panlungsod ng Palayan na nagbigay ng
PAGKILALA sa Malasakit 
I-Watch Brgy. Militar HQ












--------------------------------------------------------------------------------


Matapos magawa ang Resolution No. 06-A Series of 2013 ng Sangguniang Panlungsod ng Palayan City noong Hulyo 15, 2013 na nagbibigay pagkilala o "Accreditation" sa Malasakit I-Watch, itinakda ang Courtesy Call ng organisasyon sa Sangguniang Panlungsod na Hulyo 29, 2013. Sa araw na iyon tatanggapin ng organisasyon ang sipi ng accreditation.


    Araw ng Courtesy Call sa opisina ng Vice-Mayor Florante Mercado, bago ang Regular Session.









 Sa loob ng Session Hall bago magsimula ang session.



 Regular Session...






Pagpapasalamat ng Malasakit I-Watch matapos tanggapin ang sipi ng Accreditation - Asst. PRO Norleen Conejar.
                                                                                                                                             



Kung nais mabasa ang kabuuang blog, i-click lamang ang "Masid sa Pagtutuwid" sa gawing kaliwa sa itaas.






Ang Pagtatalaga at Panunumpa sa Tungkulin ng Lupon ng Malasakit I-Watch Brgy. Militar HQ noong June 8, 2013 na pinamunuan ni Dir. Prudencio A. Galindez, DILG Palayan City Director.



------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ito ang naging kaganapan sa Pagtatalaga at Panunumpa sa tungkulin ng mga miyembro ng Malasakit I-       Watch.


Dalawang kagawad ng barangay ang dumalo sa pagtatalagang pinangunahan ni DILG Dir. Prudencio           Galindez, sina Kag. Almario Agas at Kag. Patrocinio Seranilla.


 Si Kag. Almario Agas ang nagbigay ng Bating Pagtanggap na dapat sana ay ang Punong Barangay ang          gumanap.
 

      Ang Pambungad na Pananalita ng presidente ng organisasyon - Jesse Seranilla.




Ang sumunod ay isinagawa na ang pagtatalaga at panunumpa. Walang miyembrong nagkaroon npagkakataong  makakuha ng larawan dahil lahat ay sabay-sabay na itinalaga at nagsipanumpa.


    Ang mensahe ng Palayan City DILG Director Prudencio A. Galindez.


      Ang labimpitong (17) miyembro ng organisasyon.








     Pangwakas na Pananalita ng isa sa Board of Advisers - Ret. Regino Sorita.



     Pangwakas na Panalangin ng Press Relation Officer (PRO) - Ret. Franco Casol.


Bahagi ng kasaysayan:
Noong hapon ng June 7, 2013 ay nagsadya ang presidente at liaison officer ng organisasyon sa bahay ng       Punong Barangay, upang ipabatid sa kanya na ang Invitation Program para sa Sangguniang Barangay     ay naihatid na ng organisasyon sa Barangay Hall, at upang bigyan ang Punong Barangay ng sariling kopya     ng imbitasyon, at upang kumpirmahin ang kanilang pagdalo. Sinabi ng Punong Barangay na wala isa mang     dadalo sa kanila sa Oathtaking ng organisasyon. Ipinaalala ng dalawang miyembro ng organisasyon na may   naging pag-uusap tungkol dito noong araw ng Courtesy Call sa Brgy. Hall noong June 3, 2013. Sinabi ng     Punong Barangay na pagkatapos ng nasabing Courtesy Call ay nag-usap-usap uli sila, at kanilang  napag-     usapan at napagkasunduan na wala isa mang dadalo sa kanila. Sinabi ng dalawang kasapi sa organisasyon na paggagayakan pa rin ng organisasyon ang nasa 22 na katao na dadalo tulad ng napag-usapan, at  aasahan ang kanilang pagdalo, hindi para pagbibigay sa organisasyon kundi pagbibigay galang sa panauhing  darating na Direktor ng DILG.

Noong araw ng Oathtaking ay wala ngang makita isa mang opisyales ng barangay sa Brgy. Covered Court   maliban kay Kag. Patrocinio Seranilla, kung kaya't ang presidente ng organisasyon kasama ang isa sa Board of Advisers ay nagsadya sa Brgy. Hall. Ang naroon ay ang OD na si Kag. Almario Agas na sumama naman at dumalo sa Oathtaking. 

Ito ang tunay na mukha ng administrasyon ng barangay. Ang kalagayang ito ay hindi lingid sa panauhin na     Direktor ng DILG. Sa pangyayaring ito higit na napatibayan na tama nga na nagbuo ng isang organisasyon     tulad ng Malasakit I-Watch, na magsusulong sa pagtaas at pag-angat sa kamalayan ng mga mamamayan     sa pagpili, pagsuri sa mga iluluklok sa tungkulin at kapangyarihan.

     

Kung nais mabasa ang kabuuang blog, i-click lamang ang "Masid sa Pagtutuwid" sa gawing kaliwa sa itaas.

Ang Certificate of Incorporation na pag-aapruba ng Securities & Exchange Commission (SEC) sa MALASAKIT I-WATCH (Mamamayan Laban Sa Katiwalian) BRGY. MILITAR H.Q. INC. noong Pebrero 26, 2013.



Ang mga/layunin kung bakit ang organisasyon ay binuo at itinatag: 
         (at inaprubahan ng SEC ayon sa layunin) 

The main goal of the association is TO PROMOTE GOOD GOVERNANCE at the local level through:

1) ACTIVE PARTICIPATION of its members in CIVIC AWARENESS and ADVOCACY    
    CAMPAIGNS against Graft and Corruption, and
           
2) CREATION OF A MECHANISM through which the organization will advocate the Local  
    Government's transparency to its constituents.


-----------------------------------------------------------------------------------------------------------


Ang Malasakit I-Watch ay sumulat at humiling ng araw na magsagawa ng Courtesy Call o Pagbibigay-galang sa Sangguniang Barangay ng Brgy. Militar upang:
    1. Ipakilala ang organisasyon at mga miyembro nito
    2. Ipabatid ang layunin o adbokasiya ng organisasyon
    3. Ipabatid na sa June 8, 2013 ay gaganapin ang Oathtaking ng mga miyembro ng organisasyon na                      pangungunahan ng Direktor ng DILG Palayan City na si Dir. Prudencio A. Galindez
    4. Humingi ng pahintulot na magamit ang Brgy. Covered court para sa nasabing gawain
    5. at anyayahan ang Punong Barangay at buong Sangguniang Barangay na saksihan ang nakatakdang                        Oathtaking

June 3, 2013 ang itinakdang araw ng Sangguniang Barangay para harapin sa Brgy. Hall ang organisasyon.
Panimulang Panalangin


Pagpapakilala sa mga miyembro. Ang mga humarap at tumanggap sa organisasyon: Kag. Xavier Manalo, Kag. Absalon Ponce, Kag. Mario Samonte, Kag. Patrocinio Seranilla, Sekretaryo Mangaoang at ilang mga Purok Leaders.    



Talakayan sa layunin ng organisasyon


   
Paglalahad ng layunin ng organisasyon ayon sa pagkakaapruba ng Securities & Exchange Commission (SEC)        


Talakayan sa buod o diwa ng organisasyon
         
           
               
Paghingi ng pahintulot na magamit ang Brgy. Covered Court at pag-imbita sa buong Sanggunian para sa nakatakdang Oathtaking ng mga miyembro


Sa tugon ng mga opisyales ng barangay, ang mga aasahang dadalo/sasaksi sa Oathtaking sa June 8, 201 ay nasa bilang na Sampu (10): Punong Barangay, 7 Kagawad, 2 Sekretaryo at Tresurero, at labing-dalawa (12) na mga Purok Leaders. Inaasahang nasa 22 katao mula sa barangay ang paggagayakan ng organisasyon.






Natapos ang Courtesy Call na may diwa ng pagkakasundo.
 

Kung nais mabasa ang kabuuang blog, i-click lamang ang "Masid sa Pagtutuwid" sa gawing kaliwa sa itaas

The Peep of a New Dawn


Kung nais mabasa ang kabuuang blog, i-click lamang ang "Masid sa Pagtutuwid" sa gawing kaliwa sa itaas.