Itong blog na "Masid sa Pagtutuwid" ang nagsisilbing pahayagan ng Malasakit I-Watch Brgy. Militar HQ. Dito inilalahad ng organisasyon ang mga nais na maipabatid sa lahat lalo na sa mga kabarangay sa Brgy. Militar. Layunin ng organisasyon na sa pamamagitan ng blog na ito ay maabot ang iba at makapagpabatid sa abot ng makakaya.
Sa diwa ng TRANSPARENCY na siyang adbokasiya ng Malasakit I-Watch HQ, inilalahad dito ngayon ang kalagayan ng Bulwagan ng Brgy. Militar na isinalin ang pamamahala sa bagong administrasyon ni Punong Barangay Bibiana Abesamis. Karapatan ng lahat ng mamamayan ng Brgy. Militar na makita at mabatid ang kalagayang ito na isinalin sa bagong pamunuan at sa ating lahat.
Ang bungad ng Brgy. Hall...
Ang Reception Area kung saan unang tinatanggap ang mga dumudulog sa Brgy. Hall, na mga kumukuha ng cedula, clearances, atbp...
Ang Lobby kung saan ginaganap ang mga pagpupulong o assembly sa Brgy. Hall, at tanggapan ng mga maramihang panauhin...
Ang Bulwagang Pangkatarungan kung saan ginaganap ng mga Lupong Tagapamayapa ang mga pagdinig sa mga usapin...
Ang kusina...
Ang Restroom ng Brgy. Hall...
Ang quarters ng mga Tanod...
bodega...
Ang mismong Silid Tanggapan ng Sekretaryo at Punong Barangay...
Ang silid tanggapan ng tresurero...
Ang jetmatic pump sa likod ng Brgy. Hall...
Isang paglilinaw lamang, ang kalagayang ito ng Brgy. Hall ay hindi sanhi ng kalamidad na dala ng nagdaang Bagyong Santi, ito ay hindi gawa ng kalikasan. Ang kalagayang ito ng Brgy. Hall ay manmade. Batid ng mga mamamayan ng Brgy. Militar na ilang araw matapos ang Brgy. Election ay hinakot ng mga nasa dating administrasyon ang mga gamit at laman ng Brgy. Hall at iniwan sa ganitong kalagayan na siyang isinalin sa bagong administrasyon.
Ito lamang kubong ito sa gilid ng Brgy. Hall ang masasabing kalikasan ang may sanhi ng kalagayan nito...
Ito naman ang kapaligiran ng Brgy. Hall at plaza na isinalin sa bagong administrasyon, mga sukal at mga damong halos abot sa baiwang ang taas......
Ang mga bagong mesa at upuang mga plastic na ito pati utility rack ay hindi salin ng dating administrasyon, ito ay mga bagong bili ng bagong administrasyon upang sila ay may magamit...
Bago nagsimula ang turnover ay nagpahayag na ang Malasakit I-Watch HQ sa bagong pamunuan ng kahilingan na mabigyan ng sipi o kopya ang organisasyon ng Inventory ng itu-turnover ng dating administrasyon, pati na rin sipi o kopya ng Inventory nung magturnover sa dating administrasyon ang sinundan nitong administrasyon na pinamumunuan ng namayapang dating Punong Barangay Precioso Castro.
ADDENDUM:
Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas
Ako ay Pilipino.
Buong katapatang nanunumpa
Sa watawat ng Pilipinas
At sa bansang kanyang sinasagisag
Na may dangal, katarungan at kalayaan
Na ipinakikilos ng sambayanang
maka-diyos, makatao, makakalikasan
at makabansa
TANONG:
Sa kalagayan ng Bulwagang Barangay ng Brgy. Militar na isinalin sa bagong administrasyon ngayon, masasabi ba natin na ang pamayanang barangay natin ay may sagisag ng dangal, katarungan at kalayaan? At sa kalagayan at kapaligiran ng Brgy. Hall natin ay taas noo ba nating masasabi na pinakilos o pinamahalaan ang ating barangay ng nakaraang mga nanungkulan na Maka-Diyos, makatao, makakalikasan at makabansa?
Maraming Salamat Barangay Militar...sa tama at makatarungang paghatol sa nakaraang Brgy. Election 2013.
Ipinakita at ipinahayag ninyo na ang mga tao o sambayanan ang tutuong may hawak ng kapangyarihan.
No comments:
Post a Comment