------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ito ang naging kaganapan sa Pagtatalaga at Panunumpa sa tungkulin ng mga miyembro ng Malasakit I- Watch.
Dalawang kagawad ng barangay ang dumalo sa pagtatalagang pinangunahan ni DILG Dir. Prudencio Galindez, sina Kag. Almario Agas at Kag. Patrocinio Seranilla.
Si Kag. Almario Agas ang nagbigay ng Bating Pagtanggap na dapat sana ay ang Punong Barangay ang gumanap.
Ang Pambungad na Pananalita ng presidente ng organisasyon - Jesse Seranilla.
Ang sumunod ay isinagawa na ang pagtatalaga at panunumpa. Walang miyembrong nagkaroon npagkakataong makakuha ng larawan dahil lahat ay sabay-sabay na itinalaga at nagsipanumpa.
Ang mensahe ng Palayan City DILG Director Prudencio A. Galindez.
Ang labimpitong (17) miyembro ng organisasyon.
Pangwakas na Pananalita ng isa sa Board of Advisers - Ret. Regino Sorita.
Pangwakas na Panalangin ng Press Relation Officer (PRO) - Ret. Franco Casol.
Bahagi ng kasaysayan:
Noong hapon ng June 7, 2013 ay nagsadya ang presidente at liaison officer ng organisasyon sa bahay ng Punong Barangay, upang ipabatid sa kanya na ang Invitation Program para sa Sangguniang Barangay ay naihatid na ng organisasyon sa Barangay Hall, at upang bigyan ang Punong Barangay ng sariling kopya ng imbitasyon, at upang kumpirmahin ang kanilang pagdalo. Sinabi ng Punong Barangay na wala isa mang dadalo sa kanila sa Oathtaking ng organisasyon. Ipinaalala ng dalawang miyembro ng organisasyon na may naging pag-uusap tungkol dito noong araw ng Courtesy Call sa Brgy. Hall noong June 3, 2013. Sinabi ng Punong Barangay na pagkatapos ng nasabing Courtesy Call ay nag-usap-usap uli sila, at kanilang napag- usapan at napagkasunduan na wala isa mang dadalo sa kanila. Sinabi ng dalawang kasapi sa organisasyon na paggagayakan pa rin ng organisasyon ang nasa 22 na katao na dadalo tulad ng napag-usapan, at aasahan ang kanilang pagdalo, hindi para pagbibigay sa organisasyon kundi pagbibigay galang sa panauhing darating na Direktor ng DILG.
Noong araw ng Oathtaking ay wala ngang makita isa mang opisyales ng barangay sa Brgy. Covered Court maliban kay Kag. Patrocinio Seranilla, kung kaya't ang presidente ng organisasyon kasama ang isa sa Board of Advisers ay nagsadya sa Brgy. Hall. Ang naroon ay ang OD na si Kag. Almario Agas na sumama naman at dumalo sa Oathtaking.
Ito ang tunay na mukha ng administrasyon ng barangay. Ang kalagayang ito ay hindi lingid sa panauhin na Direktor ng DILG. Sa pangyayaring ito higit na napatibayan na tama nga na nagbuo ng isang organisasyon tulad ng Malasakit I-Watch, na magsusulong sa pagtaas at pag-angat sa kamalayan ng mga mamamayan sa pagpili, pagsuri sa mga iluluklok sa tungkulin at kapangyarihan.
Kung nais mabasa ang kabuuang blog, i-click lamang ang "Masid sa Pagtutuwid" sa gawing kaliwa sa itaas.
No comments:
Post a Comment