Tuesday, December 3, 2013

Motion for Desistance

From the Vice-President John C. Castillo
    and Co-Founder/Adviser Marilyn L. Seranilla
          of Malasakit I-Watch Brgy. Militar HQ

It’s an honor for both members of Malasakit I-Watch to be appointed as members of the Lupong Tagapamayapa ng Barangay Militar.  Our gratitude to the Punong Barangay Bibiana Abesamis and the Sangguniang Barangay ng Brgy. Militar. We thank them very much for their trust in us.

Much as we wanted to be working with the Sangguniang Barangay in serving our people and to continue to be active members of our CSO Malasakit I-Watch Brgy. Militar HQ, there would be conflict of interests in performing both duties.

In this regard we forwarded our letter of desistance dated December 02, 2013 to the Sangguniang Barangay.  We waived our interest to be members of the Lupong Tagapamayapa ng Brgy. Militar.

In our desire to be of service to our kabarangays, we choose to be where we can perform more for the best interest of our people.

Nonetheless, we support the new Barangay Administration in bringing back the dignity of Barangay Militar. More power to them.

                                                                                         
                                           

Monday, December 2, 2013

Ang isinaling Bulwagan ng Brgy. Militar

...karugtong ng Turnover ng Brgy. Militar sa bagong pamunuan - Nov. 30, 2013 ng hapon:

Itong blog na "Masid sa Pagtutuwid" ang nagsisilbing pahayagan ng Malasakit I-Watch Brgy. Militar HQ. Dito inilalahad ng organisasyon ang mga nais na maipabatid sa lahat lalo na sa mga kabarangay sa Brgy. Militar. Layunin ng organisasyon na sa pamamagitan ng blog na ito ay maabot ang iba at makapagpabatid sa abot ng makakaya.

Sa diwa ng TRANSPARENCY na siyang adbokasiya ng Malasakit I-Watch HQ, inilalahad dito ngayon ang kalagayan ng Bulwagan ng Brgy. Militar na isinalin ang pamamahala sa bagong administrasyon ni Punong Barangay Bibiana Abesamis. Karapatan ng lahat ng mamamayan ng Brgy. Militar na makita at mabatid ang kalagayang ito na isinalin sa bagong pamunuan at sa ating lahat.


Ang bungad ng Brgy. Hall...





Ang Reception Area kung saan unang tinatanggap ang mga dumudulog sa Brgy. Hall, na mga kumukuha ng cedula, clearances, atbp...










Ang Lobby kung saan ginaganap ang mga pagpupulong o assembly sa Brgy. Hall, at tanggapan ng mga maramihang panauhin...











Ang Bulwagang Pangkatarungan kung saan ginaganap ng mga Lupong Tagapamayapa ang mga pagdinig sa mga usapin...


Ang kusina...










Ang Restroom ng Brgy. Hall...


Ang quarters ng mga Tanod...


bodega...


Ang mismong Silid Tanggapan ng Sekretaryo at Punong Barangay... 






Ang silid tanggapan ng tresurero...








Ang jetmatic pump sa likod ng Brgy. Hall...





Isang paglilinaw lamang, ang kalagayang ito ng Brgy. Hall ay hindi sanhi ng kalamidad na dala ng nagdaang Bagyong Santi, ito ay hindi gawa ng kalikasan. Ang kalagayang ito ng Brgy. Hall ay manmade. Batid ng mga mamamayan ng Brgy. Militar na ilang araw matapos ang Brgy. Election ay hinakot ng mga nasa dating administrasyon ang mga gamit at laman ng Brgy. Hall at iniwan sa ganitong kalagayan na siyang isinalin sa bagong administrasyon.


Ito lamang kubong ito sa gilid ng Brgy. Hall ang masasabing kalikasan ang may sanhi ng kalagayan nito...


Ito naman ang kapaligiran ng Brgy. Hall at plaza na isinalin sa bagong administrasyon, mga sukal at mga damong halos abot sa baiwang ang taas......














Ang mga bagong mesa at upuang mga plastic na ito pati utility rack ay hindi salin ng dating administrasyon, ito ay mga bagong bili ng bagong administrasyon upang sila ay may magamit... 





Bago nagsimula ang turnover ay nagpahayag na ang Malasakit I-Watch HQ sa bagong pamunuan ng kahilingan na mabigyan ng sipi o kopya ang organisasyon ng Inventory ng itu-turnover ng dating administrasyon, pati na rin sipi o kopya ng Inventory nung magturnover sa dating administrasyon ang sinundan nitong administrasyon na pinamumunuan ng namayapang dating Punong Barangay Precioso Castro. 

ADDENDUM:


Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas

Ako ay Pilipino. 
Buong katapatang nanunumpa 
Sa watawat ng Pilipinas 
At sa bansang kanyang sinasagisag 
Na may dangal, katarungan at kalayaan 
Na ipinakikilos ng sambayanang 
maka-diyos, makatao, makakalikasan 
at makabansa


TANONG:
Sa kalagayan ng Bulwagang Barangay ng Brgy. Militar na isinalin sa bagong administrasyon ngayon, masasabi ba natin na ang pamayanang barangay natin ay may sagisag ng dangal, katarungan at kalayaan? At sa kalagayan at kapaligiran ng Brgy. Hall natin ay taas noo ba nating masasabi na pinakilos o pinamahalaan ang ating barangay ng nakaraang mga nanungkulan na Maka-Diyos, makatao, makakalikasan at makabansa?

Maraming Salamat Barangay Militar...sa tama at makatarungang paghatol sa nakaraang Brgy. Election 2013. 

Ipinakita at ipinahayag ninyo na ang mga tao o sambayanan ang tutuong may hawak ng kapangyarihan. 





Brgy. Militar Turnover of the Old Administration to the New Administration

Nov. 30, 2013 @ 2:00 pm 
Brgy. Hall of Brgy. Militar, Fort Magsaysay, Palayan City

Mga dumalo:

5 Katao mula sa Outgoing na Pamunuan:
            Kagawad Xavier Manalo
            Kagawad Absalon Ponce Jr.
            Sekretaryo Mangaoang
            Tresurero Cortez
            at Kagawad Jerry Caccam (kasama sa Incoming na Pamunuan)

10 Katao mula sa Incoming na Pamunuan:
            Punong Barangay Bibiana Abesamis
            Kagawad Jerry Caccam
            Kagawad Nathaniel "Jojo" Natividad
            Kagawad Andrei Dalde
            Kagawad Rodolfo "Apo" Dayag
            Kagawad Isabelita Catalan
            Kagawad Rowilson "Ron-Ron" Arizabal
                          Sekretaryo Sibayan
                          Tresurero Rull
                           Bookkeeper Lorna Pablo

Mga Saksi
             5 Katao na mga Miyembro ng Malasakit I-Watch Brgy. Militar HQ:
                          Jesse Seranilla
                          John Castillo
                          Franco Casol
                          Lorna Lacson
                          Marilyn Seranilla

2 Katao Kasamang Saksi:
             Mga photographers:
                         Nica Jacinto & company
                       
                   
Dito naganap at ganito isinagawa ang Turnover sa garahe sa labas 
ng Brgy. Hall ng Brgy. Militar:




























Pagkatapos ng turnover sa bagong pamunuan ay ginanap kaagad nila ang kanilang 1st Session...



...dito dumating at humabol sa session ang isang pang kagawad, si Kagawad Patrocinio "Boyet" Seranilla.