Upang matiyak na hindi na mauulit ang mga ganitong pangyayari, ang mga miyembro ng Malasakit I-Watch ay ide-deploy sa ibat-ibang lugar ng Polling Place, at higit ang tutok sa gate kung saan papasok ang mga boboto, upang makuhanan ng mga larawan ang mga hindi kakilala at hindi tiyak na taga Brgy. Militar, at matapos man ang eleksyon ay aalamin ang identity ng mga ito.
Sa sinumang makilala ang identity at mapapatunayan na flying
voter, gagawan ng karampatang aksyon para dito. Kaya huwag na sanang ipakipagsapalaran pa ng iba ang kanilang serbisyo
para pakasangkapan sa isang maruming halalan.
Ang hakbang na ito ay paglilingkod ng Malasakit i-Watch sa buong Barangay
Militar. Panahon na ng pagbabago, linisin natin ang sistemang bulok ngayon,
para sa kapakanan ng susunod na henerasyon.
Sa mga nagnanais na makatulong sa Malasakit I-Watch, magdala ng
camera, kunan ng larawan ang hindi pamilyar na taga Brgy. Militar, may mga ide-deploy
rin sa ibat-ibang presinto na alam na ang gagawin para sa mga ganito. Ngayon pa
lang ay i-charge na at tiyaking ready ang lahat ng cameras, videocams, digicams,
cellphones w/ camera, higit sa lahat ang kaloobang
may pagmamalasakit.
Para sa isang malinis at mapayapang pamayanan, sama sama tayong tumindig, magmasid, at kumilos
para sa pagtutuwid.
No comments:
Post a Comment